- EPEKTO NG PAGIBIG
Sa iyong buhay may bigla nalang dadating. Siya yung bubuo sayo at sa kabilang banda siya din yung sisira sayo. Nung una kaming nagkita nagkalagayan na agad ng loob. Hanggangbsa naging matalik na magkaibigan at sa kalaunan ay naging magsintahan din. Siya yung bumuo ng buhay ko. Kasama ko lagi at laging andyan sa tabi ko. May mga araw na nagkakatampuhan pero hindi mayayari ang araw na di pa kami nagkaka ayos.
Hanggang isang araw bigla na lang siyang nagbago. Wala na siyang oras para sa akin at sobrang cold niya kapag mag kausap kami. Yung pakiramdam ko na ako na lang yung kumakapit sa aming dalawa. Na alam ko na kapag bumitaw ako papabayaan na lang niya na mayari ang lahat. Kaya pinilit ko na kumapit pero kahit anong kapit ang gawin ko siya na din yung kusang bumibitaw. Kaya kahit masakit bumitaw na din ako. At iyon tama nga ako wala manlang siyang ginawa para bumalik ako.
Sobrang sakit sakin ng nangyari pero pinipilit ko pa ring maging okay. Dahil Hindi lang naman siya yung lalaki na dadating sa buhay ko. At wala namang permanente na tao sa buhay mo lahat din sila iiwan ka.