Lunes, Enero 14, 2019

TEKSTONG NARRATIBO


  • EPEKTO NG PAGIBIG


      Sa iyong buhay may bigla nalang dadating. Siya yung bubuo sayo at sa kabilang banda siya din yung sisira sayo. Nung una kaming nagkita nagkalagayan na agad ng loob. Hanggangbsa naging matalik na magkaibigan at sa kalaunan ay naging magsintahan din. Siya yung bumuo ng buhay ko. Kasama ko lagi at laging andyan sa tabi ko. May mga araw na nagkakatampuhan pero hindi mayayari ang araw na di pa kami nagkaka ayos.

     Hanggang isang araw bigla na lang siyang nagbago. Wala na siyang oras para sa akin at sobrang cold niya kapag mag kausap kami. Yung pakiramdam ko na ako na lang yung kumakapit sa aming dalawa. Na alam ko na kapag bumitaw ako papabayaan na lang niya na mayari ang lahat. Kaya pinilit ko na kumapit pero kahit anong kapit ang gawin ko siya na din yung kusang bumibitaw.  Kaya kahit masakit bumitaw na din ako. At iyon tama nga ako wala manlang siyang ginawa para bumalik ako.

      Sobrang sakit sakin ng nangyari pero pinipilit ko pa ring maging okay. Dahil Hindi lang naman siya yung lalaki na dadating sa buhay ko. At wala namang permanente na tao sa buhay mo lahat din sila iiwan ka.

TEKSTONG DESKRIPTIBO

  BUHAY KO, PAMILYA KO

      Karamihan naman siguro sa atin ay may pamilya na nakakasama sa araw araw. Pamilya na kasama natin sa lungkot at saya. May mga pagsubok na kayang lagpasan kapag sila ang kasama. Laging andyan sa tabi mo kapag may mga bagay na kailangan mo ng tulong lahat ng kanilang atensyon ay nasayo dahil kailangan mo ng pagmamahal sa mga oras na yon. Yan ang pamilya ko.

    Aking ina at aking ama na siyang bumubuhay sa amin. Aking ina na na siyang tagapangalaga sa amin at aking ama na siyang nagpapakasubsob sa trabaho upang may mauwing pera para sa aming pamilya. Mga kuya kong laging andyan para sa akin upang ako'y tulungan sa mga takdang aralin na diko alam. Na sila ding katuwang ng aking pamilya na bumubuo sa bawat segundo ng akin. Kaya Isa lang ang masasabi ko pamilya ko ang buhay ko.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

  PAG AARAL O PAG IBIG

       Ano nga ba ang pipiliin mo pag aaral o Pag ibig? Dahil ngayon may mga kabataaan na mas pipiliin ang kanilang mga kasimtahan kesa sa kanilang pag aaral na nagreresulta ng maagang pagbubuntis ng mga babae na nakapaghihinto sa kanila sa pag aaral. Oo hindi maiiwasan na dumating talaga sa punto na mapapagod ka sa pag aaral pero hndi rason ang paghinto sa pag aaral. Para lamang sa iyong kasintahan na mas pipiliin mo siya kesa sa iyong pag aaral na alam mo na kapag nag aaral ka may sigurado na may patutunguhan ka.

      Para sa akin kung talagang mahal ka ng kasimtahan mo kahit anong tagal pa yan kaya niyang mag intay para sayo. Hindi yung siya mismo yung magsasabi sayo na unahin mo siya dahl kung talagang mahal ka talaga niya hahayaan ka niyang piliin o gawin yung gusto mo na alam mo na makakabuti sayo. Kaya mas mabuti na piliin muna yung alam mo na may maganda kang kinabukasan kapag iyon yung pinili mo. Kaya para sa akin pag aaral muna para siguro na maganda at siguro na ang future mo.

Martes, Enero 8, 2019

TEKSTONG PROSIDYURAL

  ASENSO

      Sa pag asenso una mong kailangan gawin ay ang pagtitiyaga sa pag aaral, pagsusumikap. Upang pagkatapos ng lahat ng paghihirap mo dito ikaw ay makapagtapos ng pag aaral mo. Susunod pagkatapos ng iyong pagtatapos sa pag aaral ikaw ay maari ng maghanap ng maayos at magandang trabaho  yung permanente na upang ikaw ay hindi na mahirapan. Sa pamamaraan ito maari ka ng makatulong sa iyong mga magulang pwede mo na silang abutan ng personal mula sa iyong sahod na galing sa iyong trabaho at talagang pinaghirapan mo. Sa pamamaraan na ito ang iyong mga magulang ay iyo ng mapapasaya.

    Kung ikaw ay talaga ng nakakatulong na sa iyong mga magulang. Siguro ito na ang iyong tamang oras upang ikaw naman ay maghanap na ng iyong nais makasama sa iyong buhay. Yung alam mo na ikaw ay magiging masaya sa kanya. Na nais mo ng bumuo kayo ng pamilya. At alam mo na sa kanila mona ilalaan ang iyong mga pagsasakripisyo sa iyong trabaho. Yung alam mo na may nag iintay na iyong pag uwi. At ikaw naeexcite sa iyong pag uwi. Sa pamamaraan ito isa lang ang pwedeng matiyak ito ay ang pamilya ang rason mo para umasenso ka sa buhay dahil kung wala sila wala kang mararating sa buhay.

TEKSTONG IMPORMATIBO

  EDUKASYON LABAN SA KAHIRAPAN

       Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag aaral ng isang kasanayan. Layunin ng edukasyon ang ipahayag Ang kultura sa mga salinlahi. Ito ang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya. (Wikipedia)

     Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ang kalagayan ng hindi pagkakaroon ng pamamaraan upang makayanan ang mga pangangailangan ng tao. (Wikipedia)

     "Armas natin ang edukasyon Laban sa Kahirapan" wika ni Senador Escudero. Plano nila na magbigay ng maraming scholarship upang maiangat ang mga kabuhayan at makapagtapos ng pag aaral. Magiging armas natin ang edukasyon upang maiahon ang ating sarili sa kahirapan. At upang matulungan at masuklian ang paghihirap ng ating mga magulang. (www.philstar.com)